Zombadings!
Tinatawagan ang lahat ng mga sumusunod:
Zombabes, Zomboys, Zombagets, Zomballers, Zombloggers, Zombelievers, Zombankers, Zombaristas, Zomballerinas, Zombarkadas, Zombarangays…
Mangyari po lamang na sumugod sa SM Megamall Cinema 9 sa August 23 at manood ng Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, ang pelikulang para sa buong Zombayanan.
Because everybody is a zombody.
Iyang larawan sa itaas, nasa kaliwa si Remington, nasa kanan si Jigs. Dahil sa eksenang ito, dapat manood kayo ng Zombadings. Siguradong hinding-hindi ninyo malilimutan ang mangyayari. Doblehin ang pantyliners nang maiwasan maglawa sa kinauupuan ninyo sa sine. Pramis, this is the scene you will never forget.
Ang Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington ay ipalalabas bilang isang Special Benefit Show bukas, Martes, August 23, 2011, 9 PM, sa SM Megamall Cinema 9. Mabibili ang ticket sa halagang 300 pesos sa labas ng sinehan simula alas-5 y medya ng hapon. Kung nais panoorin rin ang ka-back-to-back na pelikula, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (7 PM naman), para sa 2 pelikula, ang pass ay 500 pesos lamang. Kita-kita tayo doon.
Source: http://manilagayguy.net/2011/08/22/zombadings/ |